Pleurotus Mushroom
(Tinatawag ring Oyster o Abalone Mushroom)
Maraming klase ng kabute ang tumutubo sa Pilipinas, ngunit hindi lahat ay napag-aaralan sa laboratory.
Hindi katulad ng karaniwang kabute na may anyong payong, ang Pleurotus Mushroom ay may tangkay na lumalaki nang pahalang, kaya’t animoy talulot ito ng bulaklak. Kahit na maliit pa lang ang mga Pleurotus, makikita na ang cap o payong nito ay bumubukas na sa umpisa pa lamang ng pagtubo nito. Ang magulang na Fruiting Bodies ay nagpapatong-patong na parang kabibe sa tagiliran ng substrate. Makikita na parang kumakampay ang cap ng Pleurotus habang tumatanda ang kabuteng ito at ang mga gilid ng cap ay kumukurba at nagiging parang alon. Ang Pleurotus ay maaaring palakihan sa mga Fruiting Bag o supot palakihan. Read more...